Home

Advertisement

Customize

Wag mo kakaibiganin ganitong klase ng tao

May. 24th, 2006 | 02:39 pm
monster wellness: gigil gigil
monster sound trip: Buffalo Soldier - Bob Marley

naaasar ako kay robert sobra! oo, si robert na bokalista ng sucketseven mashado syang mayabang. grabe! over to the max ang ginawang panghahassle nya saken last week. natulala nalang ako dahil di ko maisip talaga na nagawa nya saken un despite ng mga ginawa ko para sa kanya. tuwing naalala ko naaasar lang ako sa kanya at wala na kong balak kausapin sya kahit kailan. hindi ko na pagbibigyan mga favors na hihingin nya saken. oo, kaibigan ko sha pero feeling ko inaabuso nya na ako.

it all started last thursday... may gig sila sa phantom bar sa roxas boulevard malapit sa world trade center. dala ko ung car. i was supposed to pick up the rest of the band (bryan, tuts, and colo) sa alabang. si robert kasi nasa manila na. magkikita kami ng 7pm sa festival. so around 6:30 nag text si colo saken sabi nya kasama daw nya ung isa pa nyang band. kung pwede daw sila maki hitch. tapos tinanong ko kung ilan sila... sabi ni colo 3 daw kasama nya. kung ganun eh di 6 sila makikisakay. Jampack na kami if ever. sabi ko kay colo, hindi na kasya meron mag cocommute talaga. tapos biglang nag tampo saken si colo. Sabi ko sa kanya pwede naman makisabay ung iba kaso lang meron talagang mag cocommute dahil 5 lang pwede isakay ko. di na talaga kasya.

ayon, mega tampo si colo. sa isip isip ko, tangina alam naman nya kung ilan lang capacity ng car ko, maliit lang naman un noh. So ang naisakay ko lang ay si tutz, bryan, at ung tropa ni bryan. Tapos biglang nakatanggap ng text c tutz from robert sabi nya "Ano ba yan, dun nga sa mercedes namin nagkakasya ung 8 na tao dun eh HONDA LANG ang kotche ni charm hindi pa nya maisakay sila colo"

Putangina, alam mo ba nung narinig ko un sobrang nanghina talaga ako feeling ko napaka walang kwenta ko. Galit na galit nga din si tutz sa ugali ni robert eh. Gago pala sya eh di dun nalang sila sumakay sa bulok na mercedes nyang kakarag karag...pero nasaan na ang pinagmamayabang mong mercedes?!? walang hya! ano ba gusto nya, mag lait laitan kami ng kotche... aba. sige lang chiong! hindi mo naman kotche un. ang bulok bulok. ang yabang mo kala mo kung sino magaling mag maneho gago ka pala eh, student's lang ang lisensya mo... wala ka. panis ka. tangina mo!

Anyways, sa sobrang kakapalan ng muka ni robert, nakuha pa nya magpa sundo sa school nya. pagkatapos mo sabihin na "HONDA LANG" ang kotche ko eh magpapasundo ka?!? tigas din naman ng muka mo boy! Ako naman, mabait akong tao, pinagbigyan ko ang gusto ni robert. sinundo ko sya sa school niya. kasama ko si tutz. Dahil nung last gig nila, hindi ko sya nahatid.

Akala mo kung sino magsalita amputangina, pagdating namen dun sa school nya wala sya dun! Sobrang bad trip!!! Mega text sya kay tutz kung nasaan na daw kami, malapit na daw kami. Tapos sya pala ang wala dun! Ang ayos mo kausap. Tangina mo talaga. Bakit ba may mga taong katulad mo... So nag intay pa kami dun ng 20 mins.

Etoh pa. pagdating namen dun... nandun si colo at ung isa nyang banda! takte... ganun din amputah! jampak din sa kotche ko. 6 ung pasahero ko... kita mo nga naman kakapalan ng muka ni robert noh?!? Laking hassle abot ko sa kanya.

Hindi pa dyan nagtatapos ang pang hahassle ni robert saken... Nahuli pa ako ng MMDA ng one way sa may vito cruz!!! At tawa pa sya ng tawa.... ang tigas ng muka talaga. Daldal pa sya ng daldal na kesho dapat ganito ginawa mo. dapat ganito sinabi mo... tangina mo boy! akala mo ba napaka perpekto mo para diktahan mo ko?!? gago!!! Kung hindi ka nagpasundo saken in the first place hindi ako mahuhuli ng pulis. mashado ka kasing pa importante. tangina mo talaga! bwisit ka! Sayang ang 500 ko na pinag hati hatian ng mga putanginang MMDA na yan... buti kung si robert ang magbabayad nun eh tangina makapal tlga muka nya. sobra... Alam ko mashadong malaki ung 500 para ipang-lagay sa mga pulis na yan eh kaso wla akong choice... wala na kong barya. 500 na buo lang tlga pera ko...

Pagdating namen dun sa gig sobrang umaapoy na ko sa galit... hindi dahil nahuli ako ng mmda but dahil sa ugaling pinakita saken ni robert. sobrang hindi ko na kaya!!! gets mo ba? Nung set na nila, pinangalandakan pa nya sa buong bar na nahuli ako ng MMDA... at ang pinaka masakit dun... hindi man lang sha nagpa salamat... walang "Thank You"... ang nasabi lang nya saken "Ikaw kasi"... what a friend?!? putangina mo robert... gago ka saksakan ka ng yabang...

kung ako sayo, wag mo kakaibiganin si robert... i swear!

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Freaky

May. 15th, 2006 | 05:27 pm
monster wellness: bad trip ka!sagutin mo cel mo! bad trip ka!sagutin mo cel mo!
monster sound trip: First of Summer - Urbandub

From: '-JHaY-EtcH-E-'
Date: Monday, May 15, 2006 3:00:00 PM
Subject: zup sweety?
Message: wazzup sweety??wats poppin u ryt thurr????wud u
mind if i ask ure damn digits so we could bettah
knoe if ure damn interested at me juzz holla back
at mah digits..aightttttttt???juzz holla at me
aighttt..peayssshhhh yah sweety...bounze


Lafftrip toh!!! May nag message saken sa friendster. Takte! hahahah! hindi ko maintindihan kung baket may mga taong ganito magsalita. Pwede naman ako tanungin ng direcho kung anong number ko... hindi ung may pa AIGHT, HOLLA, BOUNZE, THURR ka pang nalalaman dyan. Hahaha!!! Ewan ko sayo kung sino ka man ang lakas ng trip mo. Umayos ka. Hindi uubra saken yang mga pa yes yes yo mo dyan.


**********


Hay sa wakas naka-nood na rin ako ng movie. Ung mission impossible 3. Ok sha. Ang pogi ni tom cruise.


**********


Grabe ang Mother's Day. Simot ang pera ko. Sooobra! Kailangan bang sobrang pampered ang mga nanay sa araw na toh? Bayaan nyo, pag ako naging nanay babawi din ako.


**********


monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Tayo na sa Puerto Galera

May. 2nd, 2006 | 02:37 pm
monster wellness: tomguts tomguts
monster sound trip: Peace Pipe - Dub Politriks

I just got home yesterday from galera.... I was with zeus of 18th issue and tutz of sucketseven. sooooobrang saya!!! Heaven talaga... biruin mo, lahat nandun na. Beach, drugs, sex, beer, yosi, reggae music!!! Puro good vibes lang kami. Walang katapusang tugtugan at sayawan. Oo, sayawan! Dun sa coco aroma, ang pinaka fave place ko sa galera. Ayuz tlga ung turtle club. Magaling sila promise. Sana nga magkaron sila ng album. Pag nagkataon ako na ang #1 fan nila. Tinugtog nila ulet ung "Is this love" ni bob marley para saken. Ang lakas! Si tutz nawala ang pagka-metal nya nung narinig nya tumugtog ung turtle club. ganun sila kalakas. hahaha! Ang steady. I'm still hungover right now. Hehehe! I'll post pictures here when I have the time! Nabitin talaga ako! Ulitin naten un!!!

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Para sa mga madalas sumakay ng BUS

Apr. 21st, 2006 | 07:39 pm
monster sound trip: Fiona Apple - Accross The Universe

This happened to my office mate yesterday... kaya para sa mga madalas sumakay ng bus dyan... mag-ingat!!!

This is her non-edited email to us )

monster link | Leave a comment {2} | Add to Memories | Tell a Friend

Allergy

Apr. 21st, 2006 | 07:37 pm
monster sound trip: Arkarna - So Little Time

I wasn't able to make it to work yesterday... alam mo kung baket?!? Kasi pagkagising ko namamaga ung muka ko... oo tama! Ang gross talaga... sobrang lumobo ung cheeks ko tapos namumula pati under my eyes... Ang panget! Huhuhu! Pero sabi ni marvin ang cute ko daw kasi chinky eyes tapos lumobo cheeks...

I was rushed to the hospital... tapos tinignan ako nung optometrist (tama ba? basta ung doctor sa mata)... sabi nung doctor saken i had an "allergic attack"... from what?!? I have no idea... Hindi din mapin-point kasi ang dami kong kinain the other day. Kumain ako ng fried chicken, carbonara, cheese burger, chips, and gulay. Tapos binawalan ako ng doctor sa stuffed toys, sa dust and, sad to say, sa pets.... huhuhuhu! paano na si yumyum?!? sino na mag-aalalga sa aso ko?!? =(

Tapos pinapunta ako sa derma kasi ung medicine na binigay saken baka daw hindi approved ng derma... at alam mo ba ginawa?!? Mas lalo pa akong binawalan... #1 bawal ang sun, tapos bawal tubig na may chlorine, bawal beach... haaay... buhay nga naman. Kung kelan summer. Ang ganda ng timing! Sira ang galera... Sira ang bora... Sira ang talisay... Sira ang Island Cove... Sira ang pagsswimming sa clubhouse ng BF homes tuwing sunday... ang lungkot =(

Ang sosyal pala dyan sa Asian Hospital. Hi-tech. Namangha ako sa mga gadgets nila. Ashteeg... Parang gusto ko magpa-ospital palagi. Bwahahaha! Jowk lang *knocks on wood* Magaling na naman ako ngayon. Pagkagising ko kanina umaga normal na ulet ung muka ko. Hehehe!

Oh well, sino gusto sumama saken sa San Mig bar alabang (dyan lang sa ATC) sa april 28... friday un. Greyhoundz at cheese. Wala kasi ako kasama. May monkey business lang ako dun kaya kailangan ko pumunta. Ayoko mag isa eh...

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Down With Love

Apr. 10th, 2006 | 01:50 pm
monster wellness: confused confused
monster sound trip: Glamorous Indie Rock & Roll - The Killers


alam mo ba ung movie na "Down With Love" starring Rene Zelwegger chaka ni Ewan McGreggor??? (Basta un, di ko alam spelling ng apilydo nila)

Anyways, kasi dun diba parang battle of the sexes talaga. Naisip ko lang kasi kung mabubuhay ba ko ng wlang lalake? I mean, in a sense na ung wala kang special someone, walang crush, walang like, walang chuva... gets mo? Not really to the point that I'd be a man-hater pero yun bang hindi na ako malulungkot kapag mag isa ako.

I sometimes wish I could have that independence para bale wala lang saken kahit walang guy na nag te-take care saken. Na-realize ko lang over the weekend that it's one of my frustrations when no one cares about me aside from my parents and friends.

Maybe nasanay kasi ako na nandyan si (sige na nga sasabihin ko na pangalan nya) Joel... and I became so depressed when we broke up. That led me to easily cling on to somebody that I'm not even sure if I like.

Do u think I'm not over him yet???

Replacing men with chocolates is just brilliant!

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Puerto Galera Pictures

Apr. 10th, 2006 | 01:25 pm
monster wellness: contemplative contemplative
monster sound trip: Hiling - Paramita

Image hosting by Photobucket
sana kasama kita ngayon... nakakalungkot eh kasi ako lang mag-isa. Mas masaya sana kung nandito ka...

PERO SIGE AYOS LANG )

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

The Best Summer Night

Apr. 4th, 2006 | 05:08 pm
monster wellness: missing him missing him
monster sound trip: Redemption Song - Bob Marley & The Wailers

He sang to me Bob Marley songs with his guitar at the beach on a summer night. It felt right, and it made me wanna groove with his every beat. He said he wanted to know more about me. That night was so magical yet so real. We talked about life, nature, feelings, friends, and music. We even have the same favorite song.

We walked on the beach and saw glowing sea creatures in the sand. It takes the shape of our footsteps. Leaving glowing blue tracks behind. We laughed a lot and thought it was magic. We reached the end of the beach and sat together. Our slippers turned blue. He scooped out some sand and put it in my hand. Everything is blue. I have never seen anything like this in my entire life.

He scooped out some more and began tracing figures on my skin with the glowing blue sand. I did the same thing to his face. He started to put some sand on my face too. We thought we looked stupid so he helped me shake off all the sand.

He said he would never forget my name. I wondered if I'll ever see him again. Maybe... or maybe not. But deep inside my heart I know I will.

He took my hand and led me to a small cave. It was so small, we have to crawl to get in. But I decided to stay outside because it was too dark and I was scared. We sat behind a huge rock. He told me not to worry. He told me to keep in touch. I promised to him that I will. We talked more and more.

I prayed that the sun won't rise because I know then I would be going back home. I would be leaving that magical island. And I didn't want to. Not yet. But the sun was cruel. We began throwing stones at the sea. The blue lights are gone. And so am I.

"...It's been a long time since I last saw you,
And I hope I could buy some time to be with you"


monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Puerto Galera

Apr. 3rd, 2006 | 06:13 pm
monster wellness: indescribable indescribable
monster sound trip: Bob Marley - Trenchtown Rock

Sobrang saya sa galera... Dun ko lang naranasan na malasing ng buong magdamag. May amatz ako mula 3pm-7am the next day... putangina!!! Ang sarap!!!

At etoh pa... ung cottage namen dun katabi ng coco aroma... puro reggae tugtugan. Ang steady. Ayoko magkwento dahil baka maudlot...

Basta masasabi ko tlgang ang saya ko. Kahit gusto ko tlgang i-share nangyari saken dun tlgang nttakot lang ako kc baka maudlot eh tlgang ibang klase. Alam mo yun? I'll always cherish it. Sooooobra!!!

Teka, Hindi ko mapigilan na wag magkwento cge na nga, konti lang...

It involves glow in the dark sea creatures, stone skipping, watching the sun rise, good company, and some reggae music. Ayan ha! *blush*

What's in galera stays in galera... Pix are coming up soon. =)

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

May naisip lang ako...

Mar. 28th, 2006 | 02:43 pm
monster wellness: silly silly
monster sound trip: Pag-agos - Up Dharma Down

Bagay kaya saken maging emo punk?!? Trip ko kasi talaga ung mga kanta ng simple plan... does that make me emo?!? Nako po... baka itakwil ako ng sucketseven pag nag kataon... Na-realize ko toh habang nag tatrabaho at nakikinig sa mga mp3s dito sa office dahil sunod-sunod na kanta ng simple plan eh memorize ko lahat... what the?!? napaisip tuloy ako! Wala lang...

Pero teka, memorize ko rin naman lahat ng kanta ng spice girls, backstreet boys, jennifer lopez, lalo na ang aking paboritong si brittney... huhuhu!!! Brittney!!! (Wag kang makialam, blog ko toh) Pati dance steps ng "Baby One More Time", "Sometimes", "Oops I did it again", "Me Against the Music" ay memorize ko.... gusto mo turo ko sayo?!?

Hindi naman siguro masama maging baduy minsan, masaya nga eh... Pero hindi ko sinasabing baduy si Brittney at Simple Plan dahil paborito ko un, kung baduy sila para sayo eh wala akong magagawa... Basta natutuwa ako sa kanila...

But, kahit na gusto ko ang simple plan eh ayokong ma-classify ako as emo dahil hindi naman talaga. Ewan ko kung anong tawag saken... Hindi ko talaga alam kung anong genre ang trip ko talaga. Kasi parang lahat naman ng klase ng music eh naappreciate ko.

Alam ko na, baka maka-grunge ako dahil ang pinaka peyborit kong banda sa buong universe ay ang FOO FIGHTERS!!! Putangina!!! Foo Fighters!!! Shiyet... Halos maloka na ako sumali sa lahat ng contest nung nagkaron cla ng tour sa sydney. Hindi naman ako nanalo. Hahaha! Pero ewan ko pa din, hindi ko talaga alam kung anong genre ko...

Gumawa nalang kaya ako ng sarili kong genre?!? EMO GRUNGE... Bwahahaha!!! Napapraning nanaman ako... Wag mo nalang ako pansinin... I'm thinking out loud.

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Harmony Gig

Mar. 27th, 2006 | 03:20 pm
monster wellness: nervous nervous
monster sound trip: Under the Bridge - Red Hot Chili Peppers

Pics lang toh nung admit none gig ng sucketseven...

Image hosting by Photobucket
may butiki dun sa gilid... hahaha!!! Salamat sa effort para mabuo ang pangalan ko...

ito na ung promise ko na picture ng pangil nung vox ng bloodshedd
PANGIL )


15th birthday ng nag-iisang bro ko. HAPPY BIRTHDAY MARVIN!!!

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Admit None

Mar. 22nd, 2006 | 02:20 pm
monster sound trip: I Miss You - Incubus

Wow... andami kong tulog... masaya ako. masaya talaga! Ansarap matulog! Ayuz! Ayuz!

Kasama nanaman namen ung bloodshedd sa gig nung friday. Sobrang bait nila talaga lalo na si jojo. Ambait mo ser! Astig ung pangil mo! Ngayon lang ako nakakita ng ganun sa buong buhay ko pramis! Papakita ko na ung picture nya dito. Astig talaga ung pangil nya. Ipopost ko dito soon ung photos wag ka mag alala... First time namen tumugtog sa admit none... Last gig na pala nila yun sa Harmony bar.

Medyo may amatz na ko nung gabing toh pero hindi ako lasing. May amatz lang. Alam ko pa ginagawa ko. Sobrang shyness ako dahil nalaglag ako sa stairs sa harmony. Madaming nakakita pero walang tumawa... wala nga ba talagang tumawa? Ewan. Basta wala akong nakitang tumawa... Antanga kasi nung hagdan!

First time ko rin napanood ng live ang hopscotch. Trip ko kasi talaga ung song nila, hindi ko alam ung title eh... etoh sya: "alas sais ka na umuwi kanina bagsak sa sahig.... blah blah blah" nakalimutan ko na. basta ganyan un. Ayan. Natuwa ako... Solb solb!

Ayown... nsa bahay lang ako buong weekend. Pahinga muna sa lakwatcha.

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Sucketseven in ADMIT NONE this friday!!!

Mar. 16th, 2006 | 08:19 pm
monster wellness: di mapakali di mapakali
monster sound trip: Kamikazee - Chiksilog

ADMITNONE

feat.
Sultans of Snap
Anhura
Bloodshedd
Genital Grinder
Scandals
Sanctus
Tears n After Glow
Hopscotch
Quietus
Toast
Inkk
Masaimara
Xycopitch
SUCKET SEVEN

8PM March 17
2nd Floor Harmony Bar Anapolis Greenhills
P100 w/ free beer

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Punta Fuego trip

Mar. 14th, 2006 | 01:47 pm
monster wellness: weeee! weeee!
monster sound trip: Giniling Festival - Hari ng Metal


Galing ako sa beach last weekend with my officemates... Feel na feel ko na ang summer dahil pag lumalabas ako ng bahay, madali na ako mapawisan. Madali na rin uminit ang ulo ko. At madami na din nagyayaya ng out of town trips.

Sobrang saya... first time kong nakapag jet ski at banana boat.

Image hosting by Photobucket

Punta Fuego )

monster link | Leave a comment {1} | Add to Memories | Tell a Friend

Sucketseven Demo

Mar. 9th, 2006 | 08:20 pm
monster wellness: tomguts na ako! tomguts na ako!
monster sound trip: Personalidad - Sucketseven

This was what we recorded last saturday... sana pakinggan mo lang... at pagnagustuhan mo, sana paki suportahan na rin... salamat!!!

(SUCKETSEVEN DEMO)

monster link | Leave a comment {2} | Add to Memories | Tell a Friend

Lasing sa alabang

Mar. 7th, 2006 | 01:56 pm
monster wellness: ahihihi ahihihi
monster sound trip: Get Hight With Me - Peace Pipe

Image hosting by Photobucket
Ang lakas ng amatzz nitong lalaking toh... I took this photo dun sa stairs ng Ana Lynn's (tama ba? basta dun sa mall na makikita mo pagbaba mo ng bus southbound ng alabang) 2am na ng madaling araw. Tawa tlga kami ng tawa... lam mo un, pero nakakaawa din kc panu kung holdapin xa dba? Pero ayus lang, may guard naman dun eh. Tinanong ko ung gwardya kung anong nangyari dun sa lalaki... sabi nung guard bumagsak nalang daw dun sa sobrang kalasingan... tsk tsk! Wawa naman ung lalaki...wag kayong gagaya dito!!!



RED HORSE Extra strong... ito ang tama!!!

Image hosting by Photobucket
Isipin mo nalang reaksyon nya pag nagising sha bandang 7am at marami na namamalengke sa alabang... hahaha! Sa buong buhay ko... never pa ako nalasing ng ganito...


As promised... etoh na ung mga pix last saturday's gig... check more of it here: http://charmviloria.multiply.com/photos/album/37


Image hosting by Photobucket
obvious ba... wala kaming magawa...


Image hosting by Photobucket
Bloodshedd... astig ung vox nyan may pangil... parang vampire


Image hosting by Photobucket
Letter Day Story


Image hosting by Photobucket
Sucketseven rocks greenvine once again


Pagtapos ng gig... inuman at almond's place
Image hosting by Photobucket


saya saya ng weekend ko... ^_^

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Freaky

Mar. 2nd, 2006 | 08:19 am
monster wellness: tae!!! tae!!!
monster sound trip: Kulay ng Kalayaan - Peace Pipe

Whew!!! Mukang tinatambakan ako ng problema...

Case #1:
May tampo saken si robert ng sucketseven. Don't ask why. It's something na di dapat pag awayan, chaka ayaw din naman nya mag away kami. Di naman kami magka away pero may tampo sha saken. Alam ko un, kahit di nya sabihin. Gets mo? Kasi naman, parang hindi nya muna pakinggan kung anong dahilan ko. Ang importante sa kanya eh matupad ko ung promise ko sa kanya. Wla na xa pakialam kung anong hassle ang aabutin ko para lang matupad ko ang promise na un. Pero ok lang saken ma-hassle kaso wala na tlga ako magawang paraan dahil nga... Basta. Nakakahiyang malaman mo pa kung ano un. So diba, mag rerecording na sila sa sabado. Sabi ko kay tutz hindi nalang ako sasama sa recording nila dahil nga may tampo saken si roberto inidoro. Sabi nya "Di nalang din ako tutugtog sa sat"... Lintik! Pwede ba un? Dahil lang sakin baka hindi pa sila makapag recording. Ayoko naman ng ganun shempre. Tapos etong si colo, magtatampo daw sha pag hindi ako sumama sa recording nila. Lahat nalang ba ng tao kelangan magtampo saken? O pati ikaw? may tampo ka noh?!? Talagang ayokong pumunta sa recording nila. Baka maiyak lang ako. Wala naman akong pakinabang dun. Bakit ko pa kailangan sumama dba?

Case #2:
Hindi ako pinayagan pumunta sa pagudpod. Well, ok lang naman sa mom ko na pumunta ko dun, walang kaso un. Ang problema lang kasi masyadong expensive pumunta dun. Ang budget ko lang talaga sa outing namen is 2k pero sa batangas un dun sa rest house ng ninong ni tina... definite na un dahil feb palang 2k na ang napag usapan namin na budget. Tapos all of a sudden, mga last week, naging 6k na daw dapat ang budget mo papuntang pagudpod. Oh my gohlay!!! Almost 1 pay day ko na un noh. Nagbabayad pa ko ng mga utang ko. Tapos sabi ni shewan, si shobe nalang daw mag fifinance nung kulang then hulugan nalang namen sa kanya every pay day. Ok lang saken, kaso diba may mga hinuhulugan pa rin ako ngayon na hindi pa tapos. Balak kong mag gym pero hindi ako makabalik sa gym dahil nga nag babayad pa ko ng utang ko... Penge ako ng pera(^_^)...

Case #3:
Paano ko ba tatapusin ang mga trabaho ko??? Kasi may dalawang HD tag dun sa sif file ko tapos kelangan ko makuha ung correct HD tag tapos ma output ko dun sa $15: na segment. Pero kasi epal talaga ung isang HD tag dahil wla naman shang silbi. Ang pinoproblema ko lang is optional kasi ung dalawang HD tag na un. Kunyari hindi existing ung HD tag na kailangan ko dun sa isang document kelangan ma carry over ko ung last value nung last HD na na-encounter ng buffer... eh kaso nga diba dalawa nga ung HD sa isang document tapos may times na isa lang tapos may times na ung isa na un eh hindi un ung kailangan kong i-output... Nakakapraning... alam kong di mo gets sinasabi ko...

Case #4:
May kumukuha saakin na isang company na mas maganda ung opportunity keysa dito sa pinagtatrabahuhan ko ngayon. Ang kaso kasi may bond ako d2 na 200k tapos ung contract ko 2 years eh nakaka 11 months palang ako dito... pero maganda tlga ung opportunity. Ano kya un? babayaran ko nalang ung bond? Sayang ang 200k ko!!! Pero kakayanin naman bayaran un if ever tlgang magkaron ako ng offer sa company na un. How do i tell them(especially my boss) my situation?!? Kasi compared dito tlgang maganda ung opportunity dun, inaalala ko lang kasi ung mga friends ko dito dba tapos ung mga maiiwanan kong trabaho... And the other company's kinda rushing with my application. NOTE: nanay ko may pakana netoh

Case #5:
Napaka taba ni yumyum...


monster link | Leave a comment {2} | Add to Memories | Tell a Friend

Luha

Mar. 1st, 2006 | 11:59 am
monster wellness: steady steady
monster sound trip: Luha - Kapatid


(bumili ako ng new album ng kapatid kahapon... I like this song so much...)

LUHA
by Kapatid

Galit ka nanaman
Dala ng kalbaryong buhat mo
At kung kailangan mo ng tulong
Wag kang lumayo
Dito lang, Dito lang ako

Sa bawat luha, sa bawat sandali
Di mo lang alam dinaanan ko na rin
Sa hirap ng buhay, tamis at bigo
Di mo lang alam ako'y kasama mo
Hanggang sa dulo ng mundo

Naalala ko pa muntik ka nang sumuko
Ano bang nararamdamanng puso mong mamon?
Solo trip ka dyan mag-isa
Di mo lang alam ako'y kasama mo
Hanggang sa dulo ng mundo

monster link | Leave a comment | Add to Memories | Tell a Friend

Off to Baguio this weekend

Feb. 22nd, 2006 | 10:11 am
monster wellness: excited excited
monster sound trip: Beautiful Eyesore - Gaucho

Ahay!!! I'm going to bagyow this weekend for the flower festival. Me and mom will be staying at Gaille's place. (she's my kababata when I was 4 years old and we haven't seen each other since 1998). I'm so excited to go shopping! Bwahahaha!

Anyway's, my original plan is to have a boring weekend last week but it wasn't so boring coz...
=> I bought a Sony Ericsson Z520i (my first girly cellphone)
=> Went to greenhills with Ena (my officemate) to shop (I have a new scarf which im so excited to wear)
=> Went to bulacan to fetch my lola since she'll be staying at home for a couple of weeks
=> I almost got rushed to the hospital coz I was suffocating in my cousin's room. (Maybe because of all the smoking)
=> Went to ruins for no reason at all

Here's some of my new uploaded pix nga pala:

Image hosting by Photobucket
Animax 24-hour watchathon at Glorietta 4



Image hosting by Photobucket
This is edz(my officemate) and me... Losers!!! Bwahaha!



Image hosting by Photobucket
My fafa and master colo... nag billards kami sa house nila Ate Yoli... natalo ko si colo. Ahihihi!



SUCKETSEVEN AT GREENVINE BAR
Image hosting by Photobucket
First gig ng sucketseven sa greenvine... nagsira pa si colo ng table. shhhh!!! Secret lang. Hahahah!



Image hosting by Photobucket
Zoramites Production



Image hosting by Photobucket
Master colo and me... nasan napunta ung yosi?



Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket
Gusto mo taho?



Image hosting by Photobucket
Si brian sumakit ang tiyan nya pagtapos kong ilibre ng taho at siopao... Sorry talaga pare!!! Malay ko ba...



Image hosting by Photobucket
The crowd



Image hosting by Photobucket
SUCKETSEVEN!!! WAHHHHH!!! EEEEEEE!!! AMFOFOGI!!!

2 weeks old ang mga pix na toh kayalang diba tamad ako mag upload. Kung di pa ko kinulit ni roberto inidoro...

Mag rerecording na nga pala ang sucketseven by the end of the month or first week of march (hopefully). Sana maging successful!!! We're targeting a minimum of 3 songs pero kung kakayanin sa budget, EP na toh!!! I'm keeping my fingers crossed. Best wishes to us! Hahaha!

monster link | Leave a comment {2} | Add to Memories | Tell a Friend

Suprisingly... I'm happy

Feb. 14th, 2006 | 11:13 am
monster sound trip: Is this love? - Bob Marley


"pag may umalis, may darating na mas higit pa sa gusto mo..."

Yeah, thanx for coming along, right about when everything else in my life is messed up.

monster link | Leave a comment {1} | Add to Memories | Tell a Friend